Majulah Singapura!
(Onward Singapore!)
Day 0:
6:00 PM - Home
Excited magpack! ^____________^
Day 1:
10:30 AM - Changi Airport
Paglapag ng eroplano sa Singapore, nagtatatalon ang puso ko sa pagkasabik sa kung ano ang gagawin ng Lord sa 5 araw na pananatili namin. ^__^
1:00 PM - Mayo Inn (Bugis)Nagpahinga kami ng kaunti sa hotel at pagkatapos ay tumuloy kami sa Nanyang Technological University para samahan si Kuya Warren mag-inquire sa Aerospace Engineering.
3:00 PM - Nanyang Technological University
Sa NTU, natutunan ko ang SG Lesson #1: EXCELLENCE.
Ang gaganda ng buildings and facilities nila. Parang Unibersidad ng Pilipinas pero 20-30 yrs from now. Hehe. Architectural masterpieces ang bawat building at landscaping.
Ramdam ko ang atmosphere ng katalinuhan at pagsisikap sa bawat estudyante't propesor na nakita o nakasalubong namin. Habang nagmamasid sa paligid, nagreflect ako sa studying habits ko. Nangusap si Lord at na-realize kong ang dami pang dapat i-improve sa akin. Na-inspire ako na maging excellent di lang sa pag-aaral ngunit sa bawat aspeto ng buhay. ^__^
7:00 PM - Esplanade/Marina Bay
Pagkatapos ng NTU ay pumunta kami sa Marina Bay. Naligaw-ligaw pa kami tapos nagtext si Ate Pam at sinabing kung may time kami ay pumunta kami sa Marina Bay kasi may fireworks at 8PM. Dun lang namin nalaman na sakto pala ang punta namin sa SG kasi Independence Day pala ng Singapore kaya may parade every Saturday. Galing ni Lord! ^__^
Habang nagpaparade ng fireworks, kinanta ang national anthem at iba pang mga awit. Di ko makakalimutan nung kinanta yung "One people. One nation. One Singapore." Naalala ko kasi dun yung isang Sunday topic ni Ptr. Edwin about "How to Gain an Undivided Heart" at yung email ni Kuya Aaron sa YLEAD about "Unity". Pina-realize ng Lord ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buong puso sa isang indibidwal, at gayundin ang pagkakaisa ng mga tao.
Kaya ang SG Lesson #2: UNITY.
Day 2:
9:00 AM - College Green/National University of Singapore
Tumulong kami sa paglilipat nila Ate Pam at ng mga naging housemates nila sa College Green, where they stayed for 2 weeks.
from College Green... |
...to NUS. |
4:30 PM - Sunday Service @ Ate Pam's Place
Attendance: Diana, Kuya Raden, Ate Pam, and me!
God met us during that service. He spoke words of comfort, encouragement, and peace to each one of us. I will treasure those precious moments in my heart. :)
6:00 PM - ION Mall (DAISO)
After the service, we went to Ion Mall to buy stuffs at DAISO. Sumama sa amin ang aming mga bagong friends na sila Merci (exchange student to NUS from Ateneo), at si Quynh (exchange student from Vietnam).
Day 3:
9:00 AM - Luge & Sky Ride
Day 3 pa lang pala tayo, nagbabasa pa ba kayo? Hehe. Luge & sky ride: "Once is never enough" daw. HEHE. OK, fast track tayo!
10:00 AM - Cable car
Cable Car to Universal Studios |
10:30 AM - Universal Studios
Hello to Mr. Black&White |
9:00 PM - Songs of the Sea
Ay eto. Masaya yung sa Songs of the Sea! Nakakarelax. Nagulat ako kasi first time ko nalaman na pwede na pala yung ganun. Parang hologram yung mga characters tsaka ang ganda ng fountain show. Sulit yung libre! HAHA. ^__^
Day 4:
9:00 AM - Snow City
Ang mahal bilhin nung pictures sa loob! HAHA. So ayan, yung sa labas ng lang. =p
1:00 PM - Chinese Garden
Di ko masyado maalala ano nangyari, natulog lang kasi ako kahit tirik na tirik ang araw. :D
9:00 PM - Sky Garden
Appreciating the beauty of the city at night. :)
OTW to Marina Bay |
Day 5:
8:00 AM - Bugis Junction & Bugis Market
Food trip mag-isa at namili ng pasalubong. =D
5:50 PM - Changi Airport
Upon leaving, I meditated on the goodness of God and the many things He has taught me during our short stay in Singapore. I thank God for giving me a gentle rebuke by letting me see a people of excellence and for teaching me how I can be pleasing to Him if only I (SG LESSON #4:) COMPLAIN LESS AND DO MORE .
Majulah Adelle! :)
Home-bound!
Thank You Lord! ^__^
______________________________________________________
_____________________________________________________
So he answered and said to me:
“ This is the word of the LORD to Zerubbabel:
‘ Not by might nor by power, but by My Spirit,’
Says the LORD of hosts.
7 ‘ Who are you, O great mountain?
Before Zerubbabel you shall become a plain!
And he shall bring forth the capstone
With shouts of “Grace, grace to it!”’”
Zechariah 4:6-7
No comments:
Post a Comment