Sunday, December 19, 2010

TICK-TOCK & TEARS



TICK-TOCK. Time does fly so fast. Ang dami nang nangyari sa 20 years na nabuhay ako.

Netong mga nakaraang araw, dahil Christmas vacation, nabigyan ako ng pagkakataon ni God na makapagmuni-muni sa maraming bagay. Minsan mapapa-iyak na lang ako kasi may bigla akong maaalalang tao tapos magbabalik yung mga alaala ng pinagsamahan. Nakakalungkot. Minsan iniiwasan ko na lang isipin. Kasi maiiyak lang ako ulit. Ako lang ba nakakaramdam ng ganun? Ayoko naman magpadala sa emosyon. Kaya tuwing mapapaisip ako, nagpepray na lang ako at kinakausap ko si God.

Siguro kaya rin nasabi ni Paul, "One thing I do, forgetting what is behind and straining towards what is ahead." It's a constant struggle we face every now and then.


TEARS. Lahat ng tao nakakaranas ng kalungkutan. Pero not everyone would admit it. Madalas, we go through it alone. Ayaw nating ipakita sa iba.

Maraming tao, iniisip nila na pera lang ang sasagot sa mga problema nila. Pero nasabi nga ni Jim Carrey, "I think everybody should get rich and famous and do everything they ever dreamed of so they can see that it's not the answer." Yung iba naman, iniisip nila na pagmamahal ang gamot - pagmamahal ng mga kaibigan, ka-relasyon, o di kaya'y pamilya. Pero kulang pa rin lahat ng yan! Naalala ko yung preaching ni Ravi Zacharias, "Inner Ache of Loneliness." Sabi ni Ravi, "Love is a wonderful experience, but it alone cannot rid our hearts of loneliness. What's the answer? Worship."


We were made to worship. Kaya lahat tayo merong puwang sa puso natin. Our inner being longs to worship God in Spirit and in Truth.

Sa totoo lang, nagtataka talaga ako kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan gayong Kristiano na ako. Natanong ko rin noon minsan si Lord. Sa pagkakataong ito, may naintindihan ako sa nais ituro sa akin ng Diyos. I'm coming back to the HEART OF WORSHIP, when it's all about You. Naalala niyo yung kanta na yun? I humbly admit, may mga pagkakataong I get lost in all the superficial aspects of worship. At sa tingin ko, etong kalungkutan ang paraan ni God para ipaalala sa akin na I WAS MADE TO WORSHIP HIM.

Kaya kung nakakaramdam man kayo ng kalungkutan, baka may gustong sabihin ang Lord sa inyo. Baka gusto ka muna Niyang huminto sa mabilis mong pagtakbo dahil may gusto Siyang ipaalala sa'yo. :)

No comments:

Post a Comment