Thursday, February 9, 2012

Nursing Licensure Exam: Waiting...

Anytime now, lalabas na ang results ng December 2011 Nurse Licensure Examination na kinuha namin. Anong nararamdaman ko? Hmmm...

"Hindi ka kumuha ng nursing para makapasa sa board. Nag-aral ka ng nursing dahil gusto mong maging nurse!" - BoN Marco Antonio C. Sto. Tomas

At dahil gusto mong maging nurse... and you know for sure God called you to become a nurse... pagsisikapan mong maipasa ang board exam. Kahit ilang take pa yan!

Sa ngayon... I'm patiently waiting...persistently praying...faithfully believing..."Whatever is His will...ALL IS WELL." ^__^

Panatag ako, hindi dahil sa kumpyansa akong pasado na...pero dahil alam kong anuman mangyari, alam kong binigay ko ang best ko para sa Panginoon. Kaya kung tatanungin niyo ako kung kinakabahan ako, mapagkamalan nang mayabang pero sa totoo lang, hindi talaga. Kung pumasa, salamat sa Dios! Kung hindi, salamat pa rin sa Kanya! Ibig sabihin lang, hindi pa para sa akin...baka may kailangan pa akong aralin na hindi ko naaral at nakasalalay dun ang buhay ng isang magiging pasyente ko. Hindi titigil ang ikot ng mundo kung bumagsak man ako. I will just keep fighting. ^__^ Pero kung pumasa ako, aba siempre! Glory to God! Handa? Libre? Tsaka na... pag may trabaho na ako. HAHA!

Psalm 130:5
"I wait for the LORD,
my soul waits,
and in His word
I put my HOPE."

Para sa mga kasabayan kong naghihintay din, may God grant us peace, faith, hope, and perhaps...COURAGE...dahil para sa karamihan sa atin, hindi lang ganun kadali yun.

Mahirap talaga ang maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan... Pero kailangan natin magpatuloy. Keep fighting, keep believing! :)

No comments:

Post a Comment